Sunday, March 9, 2008

Elesia “Elly” Torres


Elesia “Elly” Torres
Wife, Mother of 4 children
OFW: Domestic Helper, Korea 2003-Present


Nais kong ibahagi and nagging buhay ko mula nagkaisip hangang sa kasalukuyan. Galing ako sa isang abang pamilya at di nakadama ng kalinga ng isang ina. Maaga kaming naulila. Sampu kaming magkakapatid, pang-anim ako sa panganay. Ang pangarap ko ay makapagaral kahit high school man lamang. Dahil sa kahirapan, pumasok ako bilang katulong sa isang kamaganak noong 15 years old ako. Sa gulang na 17, pumasok ako ng high school at nakatapos ako sa gulang na 19. Natupad ko itong pangarap ko sa pamamagitan ng sariling sikap.

Sa gulang kong 24, nagkaron ako ng sariling pamilya. Nagpakasal ako noong 1981, ngunit sa Huwes lamang. Sa unang pagsama, nagging masaya, Ngunit sa pagdaan ng ilang taon, nagging miserable ang buhay naming. Naroon ang paghihirap ng kalooban, pagsisisi, ngunit wala ng magagawa, dahil ito ang kaloob ng Panginoon at ito ang aming kapalaran na dapat tanggapin. Nagdanas kami ng maraming pagsubok sa buhay, mga problemang di na namin kayang pasanin, na ibig na naming sumuko. Sa panahon na ito naroon ang malimit sambitin ang pagsisisi sa pagkaroon ng sariling pamilya. Nagkaroon ako ng malaking problema sa aking asawa na hindi tumatagal sa isang trabaho, madalas walang trabaho at kasama nito ay may mga bisyong dala pa rin niya, kahit kami’y naghihirap. Ito ang aming pinagaawayan. Para sa akin, wala akong makitang abilidad sa kanya bilang padre de pamilya. Pareho kaming walang stable na trabaho, kundi ang pagpasok kong bilang katulong sa aking kamaganak. Ako ay naglalaba, nagtitinda ng kakanin, para lang may pamatid sa aming mga pangangailangan.

Noong 1983, isinilang ang aking panganay (Danlee), 1985 ang aking pangalawa (Dennies), 1987 ang aking pangatlo at unang babae (Bernadeth) at 1997 nasundan pa uli ng isa pang babae (Ma. Giela Dania). Simula isinilang ko ang aking mga anak, lalong nagging hikahos kami sa buhay. May mga araw na dalawang beses lang kami kumain sa loob ng isang araw. Madalas, sabaw ng sinaing ang dinede ng baby. Palipat lipat kami ng tirahan sapagkat wala kaming sariling lupang matayuan ng bahay. Barung barong na yari sa ritasong kahoy ng niyog and aming bahay. Sa mga panahon na iyon, tinibayan ko ang aking loob. Ang pagsasama naming magasawa ay maganda naman at nagsikap ako dahilan sa mga anak, ngunit mayroon din akong nadama na pagkamartir sa buhay.

Nang nagumpisang pumasok sa elementary yung aking mga anak, napaaral ko sila sa pamamagitan ng pagtitinda ko at minsan may trabaho rin ang aking asawa. Maski hindi sapat ang aming kita, sa awa ng Diyos nakapasok naman sila sa elementary school. Hanggang mag High School na ang aking panganay. Nagkataon nakapasok ako bilang factory worker noong 1991. Naging maayos ang buhay naming hangang sa makatapos ang aking panganay sa college. At sa tulong na rin ng mga kapatid ko, nakatapos ang pangalawa at pangatlo kong anak sa High School.

Noong taong 2002, sa di inaasahang pangyayari, nagshutdown ang factory na pinapasukan ko at kasabay na pinaalis kami noong may ari ng lupa na tinayuan ng aming bahay. Napalipad kami ng kahit saan hanggang sa nabigyan na kaparti ang aking asawa sa Bay Laguna. Nagtayo kami ng masisilungan, kongkreto pero maliit para sa isang pamilya. Muling nagging mahirap ang buhay, panibagong pakikitungo sa kapwa mga taong nakapaligid, panibagong paghahanap ng pagkakakitan.

Pagkatapos ng ilang buwan, nakapasok uli ako bilang katulong ng isang pamilya na American citizen. Ang kita ko rito ay medyo malaki kumpara sa mga ordinaryong pamilya. Nangarap na rin akong makapagtrabaho sa ibang bansa bilang domestic helper. Noong September 2002, malaking biyaya ang dumating sa aking buhay sa pamamagitan ng aking kapatid na nagtratrabaho sa bansang Korea. Marahil ito na yong gift para sa aking pagtitiis. Naawa marahil ang Panginoon dahil ang lahat ng pagsubok na ibinigay niya ay aking napaglabanan.

Taong 2003, ipinahintulot ng Diyos na matuloy na makapagtrabaho ko sa bansang Korea. Masaya ako, walang mapagsidlang tuwa’t galak, habang nakasakay sa eroplano, nagplano na kung ano-ano.

Nang marating ang bansang Korea, ilang araw pa lamang, ang tuwa’t galak ay napawi, at hinalinhan ang kalungkutan. Araw at gabi, ako’y umiiyak, minsan di makakain, gusto ko nang bumalik ng Pilipinas. Iniisip ko lagi ang aking pamilya at naramdaman ko rin ang hirap ng mag-alaga ng anak ng iba. Nang makaraan ang ilang buwan, homesick pa rin ako, parang masisiraan ng bait. Pero,nagpatibay ako ng loob. Pagkaraan ng apat na buwan, umanib ako sa isang samahang pangsimbahan, bilang choir member. At doon unti-unting nawala ang pangungulita sa pamilya. Napanatag rin ang kaisipan ko sa paghihiwalay naming mag-asawa, ngunit meyroon pa ring pananabik. Kung minsan ang pagiisip na hindi maganda ay nandoon pa rin. Napanatag rin ang kaisipan ko tungkol sa mga bata. Naiisip ko pa rin kung papaano na sila kung wala ako sa tabi nila. Ngunit sinasabi ko sa sarili ko na nandito ako sa Korea para sa aking pamilya.

Ang aking kalungkutan ay napapawi kapag nakakausap ko sila sa telephone. Hindi ko pinuputol ang aming comunicasyon, ang pangngangaral lalo na sa aking mga anak. Nandoon din ang pagpadala ng pera para sa mga kailangan nila. Halos araw araw kaming nagsasalita sa telephone. Malungkot at mahirap ang malayo sa pamilya lalo na’t may naiwan na anak na 3 ½ years old. Ngayon, grade 1 na siya. Ang pangalawa at pangatlo kong mga anak ay muling nakapag-aral sa college. Two times a year kaming nagkikita. Pagdumarating ako, tuwing bakasyon, masaya at sabik sa isa’t isa. Pag umaalis, malungkut muli. Talagang ganoon, sakripisyo na lang alang alang sa pamilya. Ang telepono ang aming kaligayahan, napapawi ang hirap kapag tinig ng pamilya’y naririnig.

Sa ngayon, magkasama kami ng aking panganay sa bansang Korea. Nabiyayaan niyang makapagtrabaho sa bansang ito noong 2006 hanggang sa ngayon.

Sa 5 taong pagtigil o pagtratrabaho dito sa bansang Korea, may mga bagay na di maiwasang mag-isip sa naiwang asawa. Na kung ano ang ginagawa habang ako’y nakahiwalay. Ganoon din and aking sarili, kung minsan natutukso, gusto ng bumigay….sa pananabik sa asawa. Salamat sa Panginoon, hindi niya ako hinayaang maging masama, napakabuti ang Panginoon sa akin sa pagiging choir member ko. Ito marahil ang daan para malayo sa anumang tukso.

Taong 2007, sa aking pagbabakasyon, natuwa ako dahil kahit vocational ang tinapos ng dalawang kong anak, tuwa’t saya ang nadama. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagaway kami ng aking anak na babae. Nagulat ako sa kanya sa inaasal niya sa akin. Dissapointed ako sa pag-uwi. Last May….nag one on one kami. Pinagaralan ko siya. Sa una, talagang matigas siya. Nagaway na walang kabagay bagay, mataas ang boses niya at nasabihan pa ng “wag na kayong umuwi dito”. Doon ako na shock sa salitang iyon. Nakadama ako ng awa sa sarili. Hindi ko siya nagawang saktan. Napigil ko ang sarili ko. Bago niya nasabi ito, nasaktan ko siya, pero sa salita niyang, :wag na akong umuwi”…wala,,,,tinitigan ko lang siya. Inunawa ko pa rin siya sa kabila ng ginawa niya…subali’t masakit sa kalooban ko ang nangyari. Ang ama ay nagsalita din sa kanya pero parang bale wala. Dumating ang oras ng pag-alis ko at naroroon pa rin ang kirot at sakit kapag naalaala ko ang mga sinabi niya. Nakatanim pa rin sa aking isipan. Nakailang buwan ang lumipas, nagkaunawaan na kami by telephone. Masaya na siyang kausap nguni’t panay pa rin ang pag-alaala ko. Lagi ko siyang tine-text. Kahit walang reply okey lang basta maiparating ko ang aking paalala…

Sa ngayon, okey na kami ng aking anak na babae. Dasal ko lamang sana na pag-uwi ko ngayong X’mas, di kami magkaroon uli ng samaan ng loob. Sana maging masaya ang Christmas at Bagong Taon sa aming pamilya. Sa ngayon, happy naman ako, kahit papaano napapasaya ko ang aking pamilya, at dama ko din ang kanilang kasiyahan sa buhay. Lalo ngyon, nakakaranas na silang kumain ng masarap, nakakasunod sa layaw na pangangailangan. Ibinibigay ko sa kanila ang bawa’t hingin nila, dahil hindi ko natikman ang mga bagay na ito noong ako ay bata. Sa ngayon, isang masayang pamilya kami….salamat sa Panginoon, Siya ang nagbigay sa lahat ng tinatamasa naming ngayon, bagam’t konti lang. Salamat rin sa lahat ng tumulong sa akin….till the end!
Elly's son, Dennies: college graduate
Elly's daughter, Bernadeth: college vocational school graduate
Elly’s eldest son, Danlee, now working in Korea, with his fiancĂ©, and Elly’s sister, Yola
Elly’s church choir and source of strength, Haewadong Parish, Korea

Elly, “Ulirang Ina” (Model Mother) awardee

Elly (3rd from right) and sister, Yola (to her right), and their Filipino OFW friends in Korea

Elly and sister, Yola, ready to board at Incheon International Airport, Korea

Maligayang Pagbabalik sa Bay, Laguna: Elly (4th from left) and sister, Yola


 
Web Design by WebToGo Philippines