Monday, November 24, 2008

Rose Oplas Rendon

---------------------------------------------------------------------------------------------




Rose Oplas Rendon

OFW: Domestic Helper
Singapore
Hongkong
Seoul, South Korea
1995-Present



I’m Rose Rendon, married with one child, taga Sagay Negros Occidental. Dito ako pinanganak at dito na rin lumaki. When I was in grade three, my father died. Dito ko naranasan ang hirap ng buhay. Huminto sa pagaaral ang aking mga nakakatandang kapatid para matulungan lang ang Inay sa pag hahanapbuhay. And even me, my mother asked me to stop my studies, but I didn't. I was angry. Gumawa ako ng paraan para mapagpatuloy ko lamang ang aking pag–aaral. Every Saturday, tumutulong ako sa kapitbahay namin sa pagtitinda sa palengke para may pang enroll at pambili sa mga gagamitin ko tuwing pasukan. Ang iba naman kinikita ko ay binibigay ko kay Inay para sa ganoon parang makatulong ako sa aking pamilya. Nakatapos ako sa primary with patience and sacrifice to gain my goals in life, but God is so good! Hindi nya ako pinabayaan sa mga pangarap ko.

One of my teachers offered me to study high school, but I needed to stay with him, to help in some housework or whatever I could do, para sa ganoong paraang makabawi ako sa pag-papaaral nila sa akin. Mabait sila and they treat me like their own child. Maaga ako nagigising at gabi na natutulog para magampanan ko ang aking obligasyon bilang working student. Nakatapos ako ng 2 years secretarial course, with the help of our God and the Seguras family.

It was 1995 when I decided to work abroad and it was in Singapore. Every month my employer deducted from my salary, 300 Singapore dollars for my placement fee, 50 dollars for my savings and he gave me only 20 Singapore dollars for my allowance. Masyado mahigpit ang aking mga amo, hindi pwede lumabas na walang pahintulot na galing sa kanila, hindi din pwede makipag usap sa kapwa ko Pilipino, at tuwing weekend pinapalinis nila ako sa bahay ng kanilang mga magulang. Hindi ako pwede manood ng TV or makinig man lang ng music, at hindi rin ako pwedeng gumalaw ng pagkain na walang pahintulot galing sa kanila. Once a month lang ang day off ko, magsimula ito ng 9:00 am, at kailangan 6:oo pm andiyan ka na sa bahay. Natiisan ko ang lahat ng hirap, lungkot at pangungulila sa aking pamilya. Three years and four months lang ako nag work sa Singapore. Umuwi ako dahil as an applicant going to Singapore, hindi tinupad ng agency ang promise nila sa aking salary. I planned to work abroad again dahil nag-aaral pa ang aking bunsong kapatid. It was in Hongkong na napunta ako. At dahil nagtrabaho na ako sa Singapore, madali sa akin ang makahanap ng amo.

Mabait ang aking mga amo and they were very understanding. May dalawa silang anak at dalawa kaming Pilipina na katulong sa bahay nila. Maswerte ako sa naging amo ko sa Hongkong at nong una mabait pa sa akin ang kasama ko sa bahay at ako naman nagkaroon na ng mga kaibigan sa Hongkong. Noong una masayang masaya ako nagtratrabaho sa Hongkong dahil everyweek ang day off ko ay 24 hrs. Dahil baguhan pa ako sa Hongkong, madali lang ako maimpluwensya ng kasamahan ko sa bahay. Two years ako naging sunod sunuran ako sa lahat ng gusto ng kasama ko sa bahay. Dumating ang punto na naging ka relasyon niya ang bestfriend ko, dahil tomboy siya. At dahil kaibigan ko, naging involved ako sa problema nila at ito ang dahilan kung bakit nagka gulo gulo at nasira ang trabaho ko. Naging kakampi ng kasamahan ko sa bahay ang aking mga kaibigan, and even my own relative kakampi na din nya. Naging kaaway ko na ang bestfriend ko, at ito ang ginamit ng kasama ko sa bahay para masira ako sa trabaho namin.

Walang araw, walang gabi na hindi nila ako sinisiraan. Pumayat ako noon ng hindi ko na makayanan ang mga problema ko. That’s why I decided to break my contract pero hindi pumayag ang amo ko dahil sabi nya hindi naman daw siya naniniwala sa mga nangyayari dahil nakikita naman daw nya ang ebidensya na wala akong kasalanan. Pero dumating ang panahon na naaabala na talaga ang mga amo ko, kasi walang gabi na hindi nila pinariring ang phone. Hinde nila ako hinintuan! Hanggang we decided ng amo ko na we terminate my contract para manahimik na ang lahat. Binigyan ako ng 30 days to stay in Hongkong ng amo ko, para makahanap ng panibagong amo at good release papers.

Sinuwerte pa rin ako nakakuha ako ng amo na Korean-American citizen at nakuha ko rin pati ang kapatid ko na makasama ko sa bahay. Tuwang tuwa ako ng makahanap ng amo, at matulungan pati na din ang kapatid ko. Pero Im very sad, dahil wala man lang ako kahit katiting na pauwi sa pamilya ko pag uwi ko, dahil sa nangyari sa buhay ko sa Hongkong. Pero masaya pa rin ako dahil sa kabila ng lahat ng pagkukulang ko sa aking pamilya, naunawaan nila ako.

And then sabi nila sa akin, na kung babalik pa ako sa Hongkong mag-iiwas iwas na ako at pipiliin ko yong magiging kaibigan ko. Nong bumalik ako sa Hongkong, nalaman pa rin ng mga kaibigan ko, hindi pa rin nila ako tinigilan, thats why malaki ang pasasalamat ko dahil noong 2003 nagkaroon ng SARS sa Hongkong, at nag decide ang amo ko na they’re going for good to Korea. Sinasama nila ako at hindi ako nag-dalawang isip na sumama sa kanila. At the same time, na meet ko ang husband ko through the introduction of one of my friends. 2004 nong nabuntis ako sa baby namin and then 2005 nong nanganak ako. Nong nauwi ang anak ko sa Pilipinas nag plano na rin kami na magpakasal pero hindi pa kami nakapagpakasal kaagad agad dahil marami pa kaming inaasikaso na papers.

At last, natupad na rin naming ang lahat ng kailangang gawin at nagpakasal kami ni Diomedes Rendon noong September 21, 2008!
-----------------

Submit your thoughts and questions on this article by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------


1 comment:

Yola said...

Hi Rose nakakatouch naman ang story mo,mabuti na lang at nalampasan mo ang mga hirap na dinanas mo sa mga ganong klaseng kaibigan.At binigyan ka talaga ni LORD ng magandang kapalaran.At mabuti naman at hanggang sa ngayon ay naging matatag ka.Congratulation sa'yo,at pati na rin sa naging husband mo,Sana makita namin ang wedding nyo sa Korea.More power and God Bless!

 
Web Design by WebToGo Philippines