Thursday, February 14, 2008

Eddie Evangelista, OFW Seafarer


Edilberto “Eddie” Evangelista
OFW Seafarer: 1984-2000
Offshore Exploration: Gabon, Africa: 1984-86
Oil Rig: Ocean Profector—ODECO: 1989 (part)
Ocean Research: Worldwide: Joides Resolution: 1986--2000


Ako si Edilberto “Eddie” Evangelista, isang driver na nangarap magtrabaho sa ibang bansa. Matiyaga akong nag apply at humingi ng tulong sa Panginoon Diyos. Mapalad naman ako at maswerteng pinalad na pagbigyan ding makapag trabaho sa labas ng bansa (abroad).

Nakasakay muna ako ng barkong pang drilling ng langis sa dagat ng Africa, malapit sa Gabon. Pinagbuti ko ang pagtratrabaho ko rito at sa magandang performance ko ay inilipat ako ng aming ahensya sa barkong gamit ng gobyerno ng America pang research. Ang operation nitong barkong ito ay sa buong mundo. Nadatnan ko ang Arctic Circle, at yung Antarctic din at ang Equator. Nagtratrabaho ako sa barko ng dalawang buwan sa laot at sa kalagitaan ng karagatan ng walang makikita kundi tubig at langit. Ang pinakamagandang lugar na nadatnan namin ay yung Antarctic. Sa kapunuan ng hielo at sa pagkalawak at pagkatahimikan, kakaiba itong lugar na ito at walang katulad. Pagkatapos ng dalawang buwan pagtratrabaho, dalawang buwan ding bakasyon sa Pilipinas. Kung minsan, sumakay kami sa Guam at nagdisembarko kami sa Australia. Nung isang leg, sumakay naming kami sa Falklands noong pagkatapos pa lang ng guera doon.

Marami rin akong nadaanang mapanganib na karanasan katulad noong maipit ng tubo yung aking ulo, at nabanlian ang aking katawan ng mainit na chemical. Napakahirap nang situasyon na iyon, lalong lalo na at malayo ako sa aking pamilya. Mabuti na lang, sa awa ng Diyos, ako ay nakaligtas sa mga aksidenteng aking naranasan.

Ako ay may anim na anak at ang lima ay nakatapos naman ng pag-aaral. Ang isa ay nagaaral pa, at ito ay dahil sa trabhong nito sa abroad. Nakapag pundar din ako ng maliit na lote at dinaman kagandahang bahay at dalawang jeep na pang hanap buhay. Mayroon din akong isang owner type jeep na pam pamilya at isang motorsiklo na gamit gamit din pamamasukan.

Ang maipapayo ko lang sa mga katulad kong nagtratrabaho sa ibang bansa ay sinupin nila and kanilang kinikita dahil ang magandang pagkakataon na ito ay dapat pag samantalahan dahil sa may katapusan din ito. At kung minsan, may dumarating na hindi nating inaasahan, maaaring maaksidente o magkasakit. Marami pang bagay na darating sa ating buhay pagkatapos ng pagtrabaho sa ibang bansa at yan ay dapat nasa isip ng bawat isa.


Eddie (shown in circle) with drill team celebrating world record core

sample recovery, 4 kilometers below seabed off Argentina


Ready for initiation rites for crossing the Equator. Eddie (in circle) as Triton, Son of Neptune.


Eddie enjoying the initiation


Crew picture near end of voyage Leg 133, off Australia, Oct 1988

 

 

4 comments:

Ivant Technologies Blog said...

this is our comment...

a dependent spouse said...

Very interesting! Ang dami mong napuntahan, places na siguro very few of us will be able to go.

michaellatherese said...

ganda ng kwento mo at nakakabilib dahil sa tyaga at sikap naikot mo ang ibat ibang bansa.

infinitewebprofit said...

Ang hirap sa pagtatrabaho sa barko ay sa panahong kayo ay nasa laot at wala kang makikitang lupa kundi tubig lamang. Araw-araw ay sabik ka na makakita ng lupa.
Ang maganda nga lamang ay mas malaki ang iyong sinasahod kumpara sa pagtatrabaho ng landbase.
Mabuhay ang mga Seafarer!!

 
Web Design by WebToGo Philippines