Single
OFW: Domestic Worker, Hong Kong, 2007
Ako si Thes Cabaltera isang taon ng migrante dito sa Hongkong. Kung ihahambing sa ibang OFW dito marahil ako ang pinakabago sa kanila. Dahil sa dami ng aking nakaka salamuha halos lahat sa kanila ay taon ng naninilbihan sa kanilang mga amo dito sa Hongkong. Totoo nga na ang pagtrabaho sa labas ng ating bansa ay swertehan lang, Isa ako sa nakipag sapalaran, sumubok na makapagtrabaho dito sa Hongkong kahit na may kaba at takot sa kung ano ang aking daranasin sa bansa na aking napuntahan...
Ngayon isang taon na ako na nagtitiis at nagtyatyaga sa aking mga amo. Lahat ng hirap na hindi ko pa naranasan, dito ko lang natikman, lahat dahil sa mapang abusong amo..(3 children,1 baby,1 elderly & 4 adult) yan ang mga among aking pinagsisilbihan sa araw-araw. Sinasabi ng iba na hindi na makatwiran, dahil hindi yon ang nasa kontrata na aking pinirmahan. Meron talagang mga amo na mas pinipili ang mga baguhan kaysa meron ng experience dahil madali nila nalilinlang. At masasabi ko, isa ako sa naging biktima ng mapang abusong amo.. Sa araw-araw na dumadaan, ang oras ang hinahabol ko, kung pano ko lahat magagawa ang trabaho. Simula paggising ng maaga hanggang pagtulog na hatinggabi na, kinakailangan matapos ko yon para sa pagharap ulit ng kinabukasan.. Dumadating din ang oras na habang nagtratrabaho kumakalam ang sikmura sa gutom, dahil halos lahat ng pagkain hindi pwede galawin hanggat hindi ibinibigay. Kaya kahit sarili na namin (kasama ko indonesian) ang pera pinambibili ng pagkain kailangan pa rin patago namin yon kinakain. Sa gabi nakukuha kong magtago na ng pagkain habang ako ay nagluluto para lang may kasiguraduhan na makakain ng hapunan dahil swerte lang kung may matira sila pagkain para sa amin.
Alam ko marami akong katulad na pinag dadaanan o mas malala pa siguro. Wala tayong dapat kapitan kung hindi ang Panginoon. Habang patuloy tayo nagtitiis, lagi lang tayo tumawag sa Kanya para bigyan tayo ng lakas dahil lahat ng pangyayari sa ating buhay may reason. Huwag natin Sya tanungin kung bakit? Just say thank you......
Sana makarelate ito sa ibang OFW na katulad ko.. God Bless us always...

Kung ihaha lintulad ko ang sitwasyon ko sa iba marahil ma swerte pa rin ako kung ano ang pinagdadaanan ko sa aking mga amo kumpara sa ibang migrante na minalas din sa kanilang pakiki pagsapalaran dito. Halos karamihan na nababasa namin sa dyaryo ay pinag mamalupitan ng amo andon yon may binubogbog,pinapaso.kinukulong at meron din napag sasa mantalahan.. Yan ang paghihirap na dinadaanan naming mga migrante hinde man pare -pareho ang aming karanasan pero sa kabila non may kanya kanya kaming hirap na pinag dadaanan at pagdadaanan pa habang kami ay patuloy na nakikipag sapalaran sa labas ng ating bansa.
Alam ko marami akong katulad na pinag dadaanan o mas malala pa siguro. Wala tayong dapat kapitan kung hindi ang Panginoon. Habang patuloy tayo nagtitiis, lagi lang tayo tumawag sa Kanya para bigyan tayo ng lakas dahil lahat ng pangyayari sa ating buhay may reason. Huwag natin Sya tanungin kung bakit? Just say thank you......
Sana makarelate ito sa ibang OFW na katulad ko.. God Bless us always...
2 comments:
Hi!mabuti at nakayanan mong lahat ng paghihirap mo.Grabe naman ang dinanas mo? Pero at least Ok ka pa rin.Sa palagay mo,hanggang kailan mo kaya yon makakayanan? Yes don't gorget to Pray always!
Bago pa lang ako dito sa sinisilbihan ko, nguni't mabait naman sila sa akin at hindi katulad mo. Mabuti na lang at natitiis mo ang lahat ng paghihirap mo. Para sa akin miss na miss ko lang ang akin pamilya. Iyak ako ng iyak sa gabi.
Post a Comment