Monday, November 24, 2008
Rose Oplas Rendon
Rose Oplas Rendon
OFW: Domestic Helper
Singapore
Hongkong
Seoul, South Korea
1995-Present
I’m Rose Rendon, married with one child, taga Sagay Negros Occidental. Dito ako pinanganak at dito na rin lumaki. When I was in grade three, my father died. Dito ko naranasan ang hirap ng buhay. Huminto sa pagaaral ang aking mga nakakatandang kapatid para matulungan lang ang Inay sa pag hahanapbuhay. And even me, my mother asked me to stop my studies, but I didn't. I was angry. Gumawa ako ng paraan para mapagpatuloy ko lamang ang aking pag–aaral. Every Saturday, tumutulong ako sa kapitbahay namin sa pagtitinda sa palengke para may pang enroll at pambili sa mga gagamitin ko tuwing pasukan. Ang iba naman kinikita ko ay binibigay ko kay Inay para sa ganoon parang makatulong ako sa aking pamilya. Nakatapos ako sa primary with patience and sacrifice to gain my goals in life, but God is so good! Hindi nya ako pinabayaan sa mga pangarap ko.
One of my teachers offered me to study high school, but I needed to stay with him, to help in some housework or whatever I could do, para sa ganoong paraang makabawi ako sa pag-papaaral nila sa akin. Mabait sila and they treat me like their own child. Maaga ako nagigising at gabi na natutulog para magampanan ko ang aking obligasyon bilang working student. Nakatapos ako ng 2 years secretarial course, with the help of our God and the Seguras family.
It was 1995 when I decided to work abroad and it was in Singapore. Every month my employer deducted from my salary, 300 Singapore dollars for my placement fee, 50 dollars for my savings and he gave me only 20 Singapore dollars for my allowance. Masyado mahigpit ang aking mga amo, hindi pwede lumabas na walang pahintulot na galing sa kanila, hindi din pwede makipag usap sa kapwa ko Pilipino, at tuwing weekend pinapalinis nila ako sa bahay ng kanilang mga magulang. Hindi ako pwede manood ng TV or makinig man lang ng music, at hindi rin ako pwedeng gumalaw ng pagkain na walang pahintulot galing sa kanila. Once a month lang ang day off ko, magsimula ito ng 9:00 am, at kailangan 6:oo pm andiyan ka na sa bahay. Natiisan ko ang lahat ng hirap, lungkot at pangungulila sa aking pamilya. Three years and four months lang ako nag work sa Singapore. Umuwi ako dahil as an applicant going to Singapore, hindi tinupad ng agency ang promise nila sa aking salary. I planned to work abroad again dahil nag-aaral pa ang aking bunsong kapatid. It was in Hongkong na napunta ako. At dahil nagtrabaho na ako sa Singapore, madali sa akin ang makahanap ng amo.
Mabait ang aking mga amo and they were very understanding. May dalawa silang anak at dalawa kaming Pilipina na katulong sa bahay nila. Maswerte ako sa naging amo ko sa Hongkong at nong una mabait pa sa akin ang kasama ko sa bahay at ako naman nagkaroon na ng mga kaibigan sa Hongkong. Noong una masayang masaya ako nagtratrabaho sa Hongkong dahil everyweek ang day off ko ay 24 hrs. Dahil baguhan pa ako sa Hongkong, madali lang ako maimpluwensya ng kasamahan ko sa bahay. Two years ako naging sunod sunuran ako sa lahat ng gusto ng kasama ko sa bahay. Dumating ang punto na naging ka relasyon niya ang bestfriend ko, dahil tomboy siya. At dahil kaibigan ko, naging involved ako sa problema nila at ito ang dahilan kung bakit nagka gulo gulo at nasira ang trabaho ko. Naging kakampi ng kasamahan ko sa bahay ang aking mga kaibigan, and even my own relative kakampi na din nya. Naging kaaway ko na ang bestfriend ko, at ito ang ginamit ng kasama ko sa bahay para masira ako sa trabaho namin.
Walang araw, walang gabi na hindi nila ako sinisiraan. Pumayat ako noon ng hindi ko na makayanan ang mga problema ko. That’s why I decided to break my contract pero hindi pumayag ang amo ko dahil sabi nya hindi naman daw siya naniniwala sa mga nangyayari dahil nakikita naman daw nya ang ebidensya na wala akong kasalanan. Pero dumating ang panahon na naaabala na talaga ang mga amo ko, kasi walang gabi na hindi nila pinariring ang phone. Hinde nila ako hinintuan! Hanggang we decided ng amo ko na we terminate my contract para manahimik na ang lahat. Binigyan ako ng 30 days to stay in Hongkong ng amo ko, para makahanap ng panibagong amo at good release papers.
Sinuwerte pa rin ako nakakuha ako ng amo na Korean-American citizen at nakuha ko rin pati ang kapatid ko na makasama ko sa bahay. Tuwang tuwa ako ng makahanap ng amo, at matulungan pati na din ang kapatid ko. Pero Im very sad, dahil wala man lang ako kahit katiting na pauwi sa pamilya ko pag uwi ko, dahil sa nangyari sa buhay ko sa Hongkong. Pero masaya pa rin ako dahil sa kabila ng lahat ng pagkukulang ko sa aking pamilya, naunawaan nila ako.
And then sabi nila sa akin, na kung babalik pa ako sa Hongkong mag-iiwas iwas na ako at pipiliin ko yong magiging kaibigan ko. Nong bumalik ako sa Hongkong, nalaman pa rin ng mga kaibigan ko, hindi pa rin nila ako tinigilan, thats why malaki ang pasasalamat ko dahil noong 2003 nagkaroon ng SARS sa Hongkong, at nag decide ang amo ko na they’re going for good to Korea. Sinasama nila ako at hindi ako nag-dalawang isip na sumama sa kanila. At the same time, na meet ko ang husband ko through the introduction of one of my friends. 2004 nong nabuntis ako sa baby namin and then 2005 nong nanganak ako. Nong nauwi ang anak ko sa Pilipinas nag plano na rin kami na magpakasal pero hindi pa kami nakapagpakasal kaagad agad dahil marami pa kaming inaasikaso na papers.
At last, natupad na rin naming ang lahat ng kailangang gawin at nagpakasal kami ni Diomedes Rendon noong September 21, 2008!
-----------------
Submit your thoughts and questions on this article by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------
Wednesday, October 29, 2008
Lourdes Hufana Yuvanasiri
Lourdes Hufana Yuvanasiri
Bangkok, Thailand
From Poverty to a Good Life Through the Power of Knowledge
(Isang Kwentong Makabibigay ng Inspirasyon sa Kapwa Pinoy)
Story written by Michelle Dayrit-Soliven
The Philippine Star, October 5, 2008. Republished here with permission of the author.
To those armed with extreme patience and perseverance, poverty is not a handicap but a passport to success. Being impoverished pushed Lourdes Hufana Yuvanasiri—director of human resources of the Conrad Brand, Asia Pacific— to achieve heights of success beyond her wildest dreams. This made her life rich in more ways than one.
“I was born in Aringay, La Union to a very poor family. My father died when I was only one year old. I was raised by my mother, Herminigilda Hufana, a simple Ilocana merchant,” she said. Though her mother didn’t even finish school, this strong, determined woman managed to support all of her six children and even her grandchildren.
Lourdes was a witness to her mom’s generous soul. Despite the little that they had when they were growing up, her mom would readily share their food with hungry neighbors. She said to her children, “I don’t have anything else to give you but an education.”
Because of the good old-fashioned Filipino family values instilled in them, the siblings grew up disciplined and close knit. Much to their mother’s delight they willingly supported one another in order to fulfill her dream.
Lourdes dreamt of being a doctor but was forced to push that aside due to financial constraints. Her eldest brother Primo gave her some money, advising her to take a secretarial course. Yet her heart was somewhere else. “ I had big dreams which included becoming a very successful person one day.”
Like her brother, Lourdes became a working student. While completing a Bachelor of Arts degree in FEATI University, she took on a job at the Philippine Senate office. It was an eye opening experience. She was deeply fascinated by the powerful people she encountered daily and that made her wonder why there were so successful. By following and observing these dynamic individuals closely, she discovered a common factor.
“Those people are powerful because they are smart and filled with knowledge. It suddenly dawned on me that knowledge is power! I further concluded that without knowledge one cannot empower people,” she surmised.
This discovery paved her way to a bright future. Lourdes had finally found her purpose in life. With renewed vigor she earned her certificate in Teaching at FEATI University. Unfazed by severe financial struggles, she managed to obtain her Master of Arts in English at the University of Santo Tomas. At Araneta University in 1969, she started working as an English lecturer. She augmented her income by giving English tutorial lessons to countless students day and night, thus honing her teaching and interaction skills.
In 1971, destiny brought her to meet Pongsak Yuvanasiri from Thailand. He came to the Philippines to pursue a course in plant pathology and ended up pursuing Lourdes in the process.
"My siblings, cousins and I were all living together in a rented place. Every day he would come for his English lessons. He was very kind to my family. They were so charmed by him,” Lourdes said. She also recalled that it was to her brother Primo that Pongsak first bared the love in his heart: “I want to marry your sister.” To abide by her mother’s wish they were married in St. Lucy’s Parish in Aringay, La Union, the same church where Lourdes was baptized. Pongsak was given the Christian name Paul.
The time came for the couple to move to Bangkok. Paul’s job required him to travel extensively. Left at home, Lourdes was not used to being idle. She got restless. Within a few weeks she found a part time job as an editorial assistant. Other part time jobs came up—as English lecturer at Bangkok University, International School, Kirk College, and St. Theresa Business School. Lourdes took them all. She also gave private English lessons to individuals, Thai families and their employees. This extra income provided schooling for her nephews and nieces back home in the Philippines.
One afternoon in 1981, she walked into The Ambassador Hotel in Bangkok for an afternoon snack. Upon taking her order the server mispronounced her favorite soft drink. Sprite was pronounced “Saprite.” This did not escape her and she promptly wrote a letter to the manager. After reading her letter, the manager asked to meet with her then offered her a job. She ended up training and developing English programs for their guest service staff. She also assisted in the evaluation, promotion and personnel recruitment until 1985.
From 1985 to 1989, Lourdes worked as training manager at the Shangri-La Hotel Bangkok. From 1989 to 1992, she was director of human resources at the Holiday Inn Crowne Plaza Bangkok. In 1998, she was director of human resources at Sheraton Grande Sukhumvit Bangkok. In 2002, she joined the Conrad Bangkok as director of human resources.
Her passion for teaching has earned her a brilliant reputation in the hotel industry. Today, this indefatigable Filipina is widely regarded as the hotel human resources “guru” in Bangkok.
Once a teacher, always a teacher. Day in and day out she continues to be an inspiration, a tireless mentor and devoted teacher to many who are likewise striving to meet their own dreams.
What is the very first lesson she imparts to her students?
“Whenever I give my first lesson, I simply can't help but look back at my childhood poverty which has given me the determination to enrich myself. I encourage them to finish their university degrees and keep learning because knowledge is power. Once empowered, they can reach for their dreams!” she said.
Lourdes added the most important lesson she leaves with them is the consciousness of being patient and persevering. “I teach them to have faith and trust in God and everything will be taken care of. I make them understand with their hearts the prayer “Make me a channel of your peace…”
What is the best part of your job right now, I asked her.
“My job promotion to oversee HR projects for the Conrad Brand in Asia Pacific gives me the opportunity to travel and visit Conrad Hotels in other countries, be exposed to diverse cultures, explore new challenges and learn from them.”
She added: “Being known as the first and only Filipina director of human resources, having worked in various leading five-star international chain hotels in Bangkok, as well as having an HR corporate overseas responsibility are the things that I appreciate about being where I am now.”
She said she takes pride in being able to provide leadership and drive to her staff. To date, most of the key HR executives in five-star hotels in Thailand are her previous staff. And if that is not enough, Lourdes has also helped a number of Filipinos get jobs in hotels in Thailand.
She mentioned with pride that the most important thing in her life is that she has a happy, supportive and loving family! Her son Paulo, who finished his MBA in Sydney, is an assistant director for a telecommunications company. Her second son John is in senior high school.
Surely, Lourdes’ story is what fairy tales are made of. Does she still dream of anything?
“I still dream of exploring new possibilities in my career...and to continue to inspire needy youths to dream big dreams and educate them so they can be empowered to make their dreams come true,” she concludes.
Picture of Lourdes receiving a Thai Red Cross Plaque of Appreciation from Thai Princess Soamsawali for initiating a special project and policy at the work place to provide care for HIV-affected employees and retain their employment.
----------------
Submit your thoughts and questions on this article by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------
Saturday, September 27, 2008
Mercy R. Otelo
Mercy R. Otelo
OFW: Family Caregiver
Seoul, South Korea, 12 years
Ang tunay kong pangalan ay Pricilla Balbalosa Viadallo, pero sa passport ko ay Mercedita R. Otelo, in short Mercy. Isinilang kaming anim na magkakapatid sa Dalisay St. Bacood, Sta. Mesa M.M. Sa parte ng aking ina, ang lolo't lola ko ay purong Kastila. Samantalang lola ko sa ama ay Intsik at ang lolo ko ay Bicolano.
Mula pagkabata ay nakagisnan na naming magkakapatid na maraming paupahang bahay, mga kwarto at apartment ng aming mga magulang. Sa kahabaan ng kalye Dalisay, kami ang may pinakamalaking bahay Kastila noon, kumpleto sa gamit at kasangkapan at de kotse. Hatid at sundo rin ako ng School Bus ng Sta. Catalina College {Legarda} mula elementarya hanggang highschool. Dito ko nakasabayan sa school bus ang artistang magkapatid na sina Alona Alegre at Nina Aragon.
Nang mag teenager kaming magkakapatid at magpipinsan, ang hilig namin sa sayawan at discohan. Hanggang sa may magalok sa aming bakla na kumukuha ng mga extra sa pelikula. Naging extra kami sa pelikulang "Tubog sa Ginto" nina Jay Ilagan at Hilda Koronel. Naging dancer na rin kami noon sa "Winners Take All" noontime show nina Pugo at Patsy. Sa gabi naman ay sa Disco Rama, na naging Nite Owl ni Archie Lacson. Nang magdesisyon ang aming talent manager na si Baby de Guzman na idedestino kami sa Canada, hinde na ako sumama dahil 4rth yr college na ako noon at ibig kong makatapos ng aking pagaaral, tanging pinsan ko na lamang na si Perla Adea ang sumikat na artista.
Sa awa ng Maykapal ay natapos ko ang BBA {Bachelor of Business Administration} major Management sa University of Manila. Taong April 1972. Ikinasal din ako sa ganon ding taon Oct 1, kay Sammy Vidallo at ito’y isang marangyang kasalan. Malaki ang handaan sa aming bahay at sa La Moderna sa Escolta.
Subalit ang karangyaan ng aking mga magulang ay nagwakas, nang ang nakababata kong kapatid na lalaki ay napatay ng pamangkin ng ex Mayor ng Maynila, na kaeskwela nya at kaibigan ito. Niyaya nya ang aking kapatid na mag inuman kasama ng iba pang lalaki. Dahil paalis na patungong Saudi ang aking kapatid ibig ng umuwi ng bahay dahil takot siya na magagalit ang aming ama. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo at siya’y sinaksak at napatay. Lumaban ng kaso ang aking mga magulang subalit sila ay natalo dahil ang kanilang mga testigo ay di sumipot sa hearing dahil sa sobrang takot. Dahil din sa mga threats ng mga kalaban, minabuti na lamang ng aking mga magulang na lumayo sa lugar na iyon. Ibinenta nila lahat ang mga bahay, lupa, mga paupahan doon sa Bacood Sta Mesa. Bumili din sila ng bagong bahay malapit sa tinitirhan naming mag asawa sa Antipolo. Doon na sila namuhay ng tahimik. Dito nagpasya na rin ang aking mga kapatid na mag ibang bansa. Ang panganay ay nag Saudi, bunsong babae ay nag Japan at ang bunsong lalaki ay sa Las Vegas.
Ako naman ay pinalad na magkaroon ng 3 anak. Panganay ay si Sheryll Anne, pangalawa ay si Sheila Anna at ang bunso ay si Sherwin Andrew. Si Sheryll ay hanggang high school lamang pagkat 16 edad ay nagasawa na agad at sa ngayon may anak. Si Sheila simulang elementarya, high school, college ay honor student at nakatapos sa kursong Fine Arts major Interior Designing. Si Sherwin ay nakatapos lamang ng high school at ibig makarating ng Korea upang maghanap buhay, ngunit ako’y laging kapos upang matustusan ang pagpunta nya rito.
Mga bata pa sila ng sila ay naulila sa ama. Namatay ang aking asawa sa aksidente at mag-isa ako sa pagpapalaki sa kanila. Nagnegosyo ako ng motor and bicycle parts and supply. Napaunlad ko ito at nagkaroon ng branch. Maginhawa ang aming buhay noon, subalit sa isang idlap ito’y biglang naglaho.
Tumawag ang aking Ina at sinabing nakagat sya ng isa sa 4 niyang malalaking puting aso. Ako lamang sa mga anak niya ang makakapagalaga sa kanya dahil ang mga kapatid ko ay nasa ibang bansa. Tamang tama naman na mga ilang araw ng nasa akin ang pamangkin kong babae kasama ang 3 maliliit nyang anak pati asawa. Nag away away daw silang magkakapatid kaya pumunta muna sila sa akin. Sinabihan ko ang aking pamangking babae na siya na muna ang bahala sa tindahan ko at sa mga katulong at mga sales lady. Noon kasi 2 ang katulong ko, para sa maga anak ko 2 tutor, para sa tindahan ko 2 katulong, 4 na sales lady, 2 lalaki para mag assemble at repair at 2 saleslady para sa branch kayat 14 lahat ang aking mga empleyado.
Makalipas ang 3 araw na pagbabantay at pagaalaga ko sa aking ina ay wala na ang pamamaga ng kanyang kalahating katawan. Maya maya ay tumawag sa akin ang panganay kong anak na si Sheryll at tinatanong kung bakit magulong magulo at wala na ang mga paninda. Akala niya kami ay naglipat ng ibang tindahan. Nabigla kami sa kanyang sinabi kaya't kami'y dali daling sumugod doon. Subalit wala na talaga at ito'y nalinas at ninakaw na ng aking pamangkin at ng kanyang asawa. Nakausap ko ang mga tauhan ko at sinabi nila na binigyan sila ng aking pamangkin ng 2 araw na day off. Tinanong din namin ang aming mga kapit bahay na may mga tindahan din at sabi nila na 4 na malalaking 10 wheelers dump truck ang humakot sa aking paninda bandang ala 1:00 ng madaling araw, 8 armadong mga kalalakihan sa pamumuno ng asawa ng aking pamangkin ang humakot nito. Nagkagastos ang aking mga kapatid na 100 thousand sa mga pulis para masundan at hanapin sila subalit di na sila nakita. Nabenta ko ang aking malaking bahay at 3 sasakyan para bayaran ang aking mga bouncing check. Umupa kaming magiina ng bahay sa Vista Verde, Novaliches at ang nagbabayad ay kapatid kong nasa Japan. Ang kapatid kong lalaki na may Travel Agency ang siyang nagpapunta sa akin dito sa Korea.
Nagbilin ang aking Ina na hanapin ko daw ang Panginoon sapagkat nakalimot na daw ako sa Kanya, na kahit daw anong mahahalagang okasyon ay di ko naaalala dahil sa aking negosyo. Pati mga anak ko ay pinabayaan ko na sa mga katulong at di ko nahila para magsimba. Kaya't nangako ako sa aking Ina na maglilingkod ako sa Panginoon at mag hahanap buhay ng maayos para sa aking mga anak.
Noong nasa eroplano pa lamang ako, masyado na akong excited, kinukurot kurot ko pa ang akin balat na para baga akong nananaginip na makakarating bigla sa ibang bansa. Sinalubong ako ng kaibigan ng aking kapatid. Noong unang gabi ko rito ay masayang masaya ako; pangalawang gabi ay medyo nalulungkot na ako at laging naaalala ang malungkot na pangyayaring naganap sa aking buhay. Ikatlong gabi ko humahagolgol na ako sa kaiiyak dahil namimis ko na ang aking mga anak, ilang gabi na ako umiiyak ng todo at dito ko naisip ang habilin ng aking Ina na hanapin ko ang Panginoon.
Pagsapit ng Linggo ay nagpapasama ako sa simbahan at pumasok ng Church Volunteer bilang Choir. At dito rin sa simbahan ko nakilala ang dating presidente ng mga Church Volunteers na si Lydia Rabi. Siya rin ang nagpasok sa akin sa French family pagkat umuwi ng Pinas ang katulong nilang pinay para ayusin ang kanyang mga papeles para sa sponsorship. Masakit man isiping namamasukan akong isang katulong dahil noon ako ay maraming katulong. Ngayon ako ang katulong. Subalit kailangan kong tanggapin ang katotohanan. Iba na ang takbo ng buhay ko; kailangan ko magtiis at mag sakripisyo alang alang sa kinabukasan ng aking mga anak.
Ika 12 taon na akong naninilbihan bilang katulong ng iba ibang tao, iba ibang ugali, iba ibang karanasan pero tuloy ang buhay. Di ako sumusuko. Halos araw araw ay tinatawagan ko ang pamilya ko at kung minsan ay nakikita ko sila sa webcam. Masayang masaya ako kapag kausap ko sila lalo na ang mga nakakatuwa kong apo. Sa ngayon ay unti unti ko na nababawi ang mga nawala sa akin. Sa awa ng Maykapal, nakapagpatayo na rin kami ng bahay na may 5 palapag at tindahan sa buong garahe at harapan ng bahay. May 2 puwesto rin kami sa SM Fairview na Boutique & Accessories at ang kabila ay tattoo shop para sa manugang kong si Randy na Tattoo Artist. Mayroon na rin kaming brand new car-- Adventure latest model 2007.
Ang pangalawang anak kong si Sheila na kailanman ay di ako pinoroblema ay may sariling pagsisikap sa buhay at nakakatayo mag isa sa kahit saan siya makarating ay di mo aalahanin. Napakabait at napakatalino niya, napakarami niyang magagandang katangian na aking ipinagmamalaki. Sa ngayon ay 4 na taon na siya sa States at nakapangasawa ng Puerto Rican. Ang problema ko na lang ang aking bunso na si Sherwin. Di ko pa kayang papuntahin dito sa Korea. Ibig na ibig na niyang makapiling at makita ako at tuloy makatulong sa paghahanap buhay para sa amin. Lagi ko itong pinapanalangin ngunit di ako nawawalan ng pag asa.
“GOD IS HOPE”. Kaya't ang mapapayo ko sa mga katulad kong OFW: huwag makalimot tumawag at manalangin palagi sa Poong Maykapal at magpasalamat sa mga biyayang ating natatamo mula sa Kanya. Anytime, anywhere, anyplace nandyan lamang Siya. Nakasubaybay sa atin upang tayo'y gabayan at protektahan. Kumatok ka at ika’y pagbubuksan, tumawag ka at ika’y pagbibigyan. Huwag mawawalan ng pag asa, nandyan lamang Siya para sa atin........ GOD IS THE ANSWER......
_______
Submit your thoughts on this kwento by simply clicking on the word "comments" just below. Or, submit your own story and pictures to the eBarangay. Ask questions; share your thoughts, feelings and experiences. Click on "Magtanong sa Doktor", or "Magtanong sa Psychologist" or join the e-PinoyTalk forums. Stay in touch!
Hindi ka nagiisa... One. Filipino. Never Alone.
_______
Thursday, August 21, 2008
Thes Cabaltera
Single
OFW: Domestic Worker, Hong Kong, 2007
Ngayon isang taon na ako na nagtitiis at nagtyatyaga sa aking mga amo. Lahat ng hirap na hindi ko pa naranasan, dito ko lang natikman, lahat dahil sa mapang abusong amo..(3 children,1 baby,1 elderly & 4 adult) yan ang mga among aking pinagsisilbihan sa araw-araw. Sinasabi ng iba na hindi na makatwiran, dahil hindi yon ang nasa kontrata na aking pinirmahan. Meron talagang mga amo na mas pinipili ang mga baguhan kaysa meron ng experience dahil madali nila nalilinlang. At masasabi ko, isa ako sa naging biktima ng mapang abusong amo.. Sa araw-araw na dumadaan, ang oras ang hinahabol ko, kung pano ko lahat magagawa ang trabaho. Simula paggising ng maaga hanggang pagtulog na hatinggabi na, kinakailangan matapos ko yon para sa pagharap ulit ng kinabukasan.. Dumadating din ang oras na habang nagtratrabaho kumakalam ang sikmura sa gutom, dahil halos lahat ng pagkain hindi pwede galawin hanggat hindi ibinibigay. Kaya kahit sarili na namin (kasama ko indonesian) ang pera pinambibili ng pagkain kailangan pa rin patago namin yon kinakain. Sa gabi nakukuha kong magtago na ng pagkain habang ako ay nagluluto para lang may kasiguraduhan na makakain ng hapunan dahil swerte lang kung may matira sila pagkain para sa amin.
Alam ko marami akong katulad na pinag dadaanan o mas malala pa siguro. Wala tayong dapat kapitan kung hindi ang Panginoon. Habang patuloy tayo nagtitiis, lagi lang tayo tumawag sa Kanya para bigyan tayo ng lakas dahil lahat ng pangyayari sa ating buhay may reason. Huwag natin Sya tanungin kung bakit? Just say thank you......
Sana makarelate ito sa ibang OFW na katulad ko.. God Bless us always...
Monday, July 28, 2008
Danlee Torres
Danlee Torres
Single
OFW: Factory Worker, Korea 2005-Present
Isinilang ako ng taong 1983. Ang sunod sa akin, isa pa ring lalaki, 1985. Ang pangatlo, isang babae ay isinilang ng 1989. At talagang masasabi ko isang miserable ang aming buhay. Noong 1985 napapunta ako sa aking titan a tinatawag kong mommy Yola. Kinupkop niya ako, tumira akos sa bahay niya. Ako ay 2 ½ taong gulang noon. Nag day care ako noon ako ay 3 ½, kindergarten, noong 4 ½ tinaggap ako sa Grade 1, 5 ½ sa grade 2 at 6 ½ nag grade 3. Noong pag grade 4 ko ako ay kinuha ne muli ng aking mga magulang at nakapiling ko muli and aking mg kapatid. Naka limang taon ang pagtira ko sa aking Tita o Mommy Yola. Nangyari yon parang makatulong ang Mommy ko sa aking mag magulang.
Nakatapos ako ng elementary school noong 1991. Sa mga taong sumusunod maraming beses kaming magkakapatid na nag lipat lipat ng tirahan. Hanggang sa napatira kami sa lupa ng aking Tita na nasa America. Kinausap siya ng aking ina at pumayag naman siya. Mayroon siyang isang anak na binata.
Una kaming nagtayo ng bahay sa lupa ng pag-aari ng tita ko. Pagkatapos ng isang taon ipinagpatayo na rin ng isang bahay ng tita ko ang aking pinsan. Nasa high school na ako noon. Maganda ang aming samahan. Kung may kailangang ang aking pinsan, ako ang gumagawa. Ako rin ang naglilinis ng kanyang bahay. Mayroon naman kapalit itong ginagawa ko. Nakatulong ako ng kaunti sa aking mga magulang sapagka’t itong binibigay ng aking pinsan ay ginamit kong pangbaon sa buong isang lingo.
Lumipas ang taon, nagasawa ang aking pinsan. Ang aking ina ay nagtratrabaho sa isang pabrika bilang isang factory worker. Maganda ang kita ni Inay ditto at si tatay naman au nagsumikap ding makatulong kay inay. Pero malupit sa kanya ang kapalaran. Noong 1997 nanganak muli si inay ng isang baby girl na hindi inaasahan. Makalipas and ilang buwan nagwelga ang factory na pinapasukan ni inay. Natapos naman yung welga, at muling nagtrabaho si inay. Nasa college na ako at high school na ang aking dalawang kapatid. Pagkalipas ng ilang taon natuluyang nagsara ang factory na pinapasukan ni inay. Hindi kami pinahinto sa pag-aaral at muling nag-isip ng ikabubuhay para sa amin and aming mga magulang. Sa panahon na ito dumagok sa amin and di inaasahang pangyayari. Nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang aking ama at ang aking pinsan, at dahil ditto pinlayas kami sa lupa na kung saan kami nakikitirik. Sila Nanay ay tumira sa puder ng aking lolo, kasama ang bunso kong kapatid. Naiwan kaming tatlong magkakapatid. Nakiusap ang aking inay sa mg tito at tita naming at kami ay naihanap niyang tirahan sa tatlong iba ibang bahay. Ako ay tumigil uli sa bahay ng mommy Yola ko.Ako ay 4th year college na.
Di nagtagal, nakapagpatayo kami ng bahay sa Bay, Laguna. Ang aking ama ay nakasumpong kung minsan bilang karpentero. Ang aking inay naman ay namasukan bilang katulong sa isang American citizen sa lugar na malapit sa amin. Malaking tulong sa aming magulang ang pagtigil naming magkakapatid sa aming mga tita at tito. Magkalipas and isang taong huminto ng pag-aaral ang aking kapatid at nagging “car wash boy” parang makatulong sa inay at itay. Pagkatapos ng isang taon, natapos na ako ng kursong AB o Liberal Arts, subali’t mahirap na mahirap maghanap ng trabaho.
Di ako namili ng mapapasukan ko. Ako y nagging waiter sa isang fast food restaurant sa Enchanted Kingdom. Ang contract ko ay every 6 months lamang. Nagtagal ako rito. Dumating ang araw na natulungan ng mommy Yola ko makakuha ng trabaho bilang domestic helper sa Korea. Agad nag-ayos ng papeles at sa taong 2003 natuloy si inay sa pagtratrabaho sa bansang Korea. Naging masaya kami, nguni’t nagging mahirap para sa amin ang mawalay sa aming ina. Nalungkot kaming magkakapatid lalo na ang bunso naming. Pero naroon pa rin ang tuwa naming sapagka’t kahit paano giginhawa kami. Ang bunso naming ay naiwan sa idad na 2 ½, naawa ako sa kanya. Tanging si tatay lang ang kasakasama ng mga kapatid ko, dahil nagtratrabaho ako. Weekend lang ako umuuwi sa amin. Malimit kaming tinatawagan n gaming inay, halos araw-araw sa telepono o by mail kami nagkukumustahan.
Muling nakapagaral ang kapatid ko, natapos nila and high school. Umuuwi si inay every 6 months. Noong 2004 pinagapply ako ni inay sa POEA Employment Permit System. Makalipas and isang taon, natawag ako noong October. Matagal magayos ng papeles at nagamba ako sa aking medical. Nagkaroon pa ng gamutan. Pagkatapos ng lahat ng requirements, sa June 2006 nabigyan ako ng opportunidad na makapasok sa bansang Korea. Biyaya na nanggaling at ipinagkaloob ni Lord saming Mag-ina.
Nakatulong ako sa aking inay. Muling nakapag-aral and dalawa kong kapatid sa college. Two year course, Internet Technology ang aking kapatid na babae at Electrician naman ang lalaki. Naipasok an gaming bunso sa isang private school. Nagtulong ring kaming makapagtayo ng bahay. At sa kasalukuyan ang aking kapatid na babae ay nag-aaral muli ng Nursing.
Naging happy ako ditto sa Korea. Hindi ako nakaramdam ng kalungkutan sapagka’t kasama ko ang aking inay at ang aking mommy Yola. Sa ngayon naka dalawang taon na ako ditto at nagkaroon na ng girlfriend na super bait. Filipina din siya, nagkasama kami sa trabaho.
Marami akong gusting pasalamatan. Una sa poong Maykapal na nagbigay sa amin ng pagkakataong makapagtrabaho sa bansang ito. Salamat din sa aking itay sa pag-aalaga sa tatlo kong kapatid. Salamat sa tumulong sa aking inay na makapagtrabaho dito sa Korea. Thank you…Lord, Thank you ….inay, Thank you….mommy yola!
Sunday, March 9, 2008
Elesia “Elly” Torres
Elesia “Elly” Torres
Wife, Mother of 4 children
OFW: Domestic Helper, Korea 2003-Present
Nais kong ibahagi and nagging buhay ko mula nagkaisip hangang sa kasalukuyan. Galing ako sa isang abang pamilya at di nakadama ng kalinga ng isang ina. Maaga kaming naulila. Sampu kaming magkakapatid, pang-anim ako sa panganay. Ang pangarap ko ay makapagaral kahit high school man lamang. Dahil sa kahirapan, pumasok ako bilang katulong sa isang kamaganak noong 15 years old ako. Sa gulang na 17, pumasok ako ng high school at nakatapos ako sa gulang na 19. Natupad ko itong pangarap ko sa pamamagitan ng sariling sikap.
Sa gulang kong 24, nagkaron ako ng sariling pamilya. Nagpakasal ako noong 1981, ngunit sa Huwes lamang. Sa unang pagsama, nagging masaya, Ngunit sa pagdaan ng ilang taon, nagging miserable ang buhay naming. Naroon ang paghihirap ng kalooban, pagsisisi, ngunit wala ng magagawa, dahil ito ang kaloob ng Panginoon at ito ang aming kapalaran na dapat tanggapin. Nagdanas kami ng maraming pagsubok sa buhay, mga problemang di na namin kayang pasanin, na ibig na naming sumuko. Sa panahon na ito naroon ang malimit sambitin ang pagsisisi sa pagkaroon ng sariling pamilya. Nagkaroon ako ng malaking problema sa aking asawa na hindi tumatagal sa isang trabaho, madalas walang trabaho at kasama nito ay may mga bisyong dala pa rin niya, kahit kami’y naghihirap. Ito ang aming pinagaawayan. Para sa akin, wala akong makitang abilidad sa kanya bilang padre de pamilya. Pareho kaming walang stable na trabaho, kundi ang pagpasok kong bilang katulong sa aking kamaganak. Ako ay naglalaba, nagtitinda ng kakanin, para lang may pamatid sa aming mga pangangailangan.
Noong 1983, isinilang ang aking panganay (Danlee), 1985 ang aking pangalawa (Dennies), 1987 ang aking pangatlo at unang babae (Bernadeth) at 1997 nasundan pa uli ng isa pang babae (Ma. Giela Dania). Simula isinilang ko ang aking mga anak, lalong nagging hikahos kami sa buhay. May mga araw na dalawang beses lang kami kumain sa loob ng isang araw. Madalas, sabaw ng sinaing ang dinede ng baby. Palipat lipat kami ng tirahan sapagkat wala kaming sariling lupang matayuan ng bahay. Barung barong na yari sa ritasong kahoy ng niyog and aming bahay. Sa mga panahon na iyon, tinibayan ko ang aking loob. Ang pagsasama naming magasawa ay maganda naman at nagsikap ako dahilan sa mga anak, ngunit mayroon din akong nadama na pagkamartir sa buhay.
Nang nagumpisang pumasok sa elementary yung aking mga anak, napaaral ko sila sa pamamagitan ng pagtitinda ko at minsan may trabaho rin ang aking asawa. Maski hindi sapat ang aming kita, sa awa ng Diyos nakapasok naman sila sa elementary school. Hanggang mag High School na ang aking panganay. Nagkataon nakapasok ako bilang factory worker noong 1991. Naging maayos ang buhay naming hangang sa makatapos ang aking panganay sa college. At sa tulong na rin ng mga kapatid ko, nakatapos ang pangalawa at pangatlo kong anak sa High School.
Noong taong 2002, sa di inaasahang pangyayari, nagshutdown ang factory na pinapasukan ko at kasabay na pinaalis kami noong may ari ng lupa na tinayuan ng aming bahay. Napalipad kami ng kahit saan hanggang sa nabigyan na kaparti ang aking asawa sa Bay Laguna. Nagtayo kami ng masisilungan, kongkreto pero maliit para sa isang pamilya. Muling nagging mahirap ang buhay, panibagong pakikitungo sa kapwa mga taong nakapaligid, panibagong paghahanap ng pagkakakitan.
Pagkatapos ng ilang buwan, nakapasok uli ako bilang katulong ng isang pamilya na American citizen. Ang kita ko rito ay medyo malaki kumpara sa mga ordinaryong pamilya. Nangarap na rin akong makapagtrabaho sa ibang bansa bilang domestic helper. Noong September 2002, malaking biyaya ang dumating sa aking buhay sa pamamagitan ng aking kapatid na nagtratrabaho sa bansang Korea. Marahil ito na yong gift para sa aking pagtitiis. Naawa marahil ang Panginoon dahil ang lahat ng pagsubok na ibinigay niya ay aking napaglabanan.
Taong 2003, ipinahintulot ng Diyos na matuloy na makapagtrabaho ko sa bansang Korea. Masaya ako, walang mapagsidlang tuwa’t galak, habang nakasakay sa eroplano, nagplano na kung ano-ano.
Nang marating ang bansang Korea, ilang araw pa lamang, ang tuwa’t galak ay napawi, at hinalinhan ang kalungkutan. Araw at gabi, ako’y umiiyak, minsan di makakain, gusto ko nang bumalik ng Pilipinas. Iniisip ko lagi ang aking pamilya at naramdaman ko rin ang hirap ng mag-alaga ng anak ng iba. Nang makaraan ang ilang buwan, homesick pa rin ako, parang masisiraan ng bait. Pero,nagpatibay ako ng loob. Pagkaraan ng apat na buwan, umanib ako sa isang samahang pangsimbahan, bilang choir member. At doon unti-unting nawala ang pangungulita sa pamilya. Napanatag rin ang kaisipan ko sa paghihiwalay naming mag-asawa, ngunit meyroon pa ring pananabik. Kung minsan ang pagiisip na hindi maganda ay nandoon pa rin. Napanatag rin ang kaisipan ko tungkol sa mga bata. Naiisip ko pa rin kung papaano na sila kung wala ako sa tabi nila. Ngunit sinasabi ko sa sarili ko na nandito ako sa Korea para sa aking pamilya.
Ang aking kalungkutan ay napapawi kapag nakakausap ko sila sa telephone. Hindi ko pinuputol ang aming comunicasyon, ang pangngangaral lalo na sa aking mga anak. Nandoon din ang pagpadala ng pera para sa mga kailangan nila. Halos araw araw kaming nagsasalita sa telephone. Malungkot at mahirap ang malayo sa pamilya lalo na’t may naiwan na anak na 3 ½ years old. Ngayon, grade 1 na siya. Ang pangalawa at pangatlo kong mga anak ay muling nakapag-aral sa college. Two times a year kaming nagkikita. Pagdumarating ako, tuwing bakasyon, masaya at sabik sa isa’t isa. Pag umaalis, malungkut muli. Talagang ganoon, sakripisyo na lang alang alang sa pamilya. Ang telepono ang aming kaligayahan, napapawi ang hirap kapag tinig ng pamilya’y naririnig.
Sa ngayon, magkasama kami ng aking panganay sa bansang Korea. Nabiyayaan niyang makapagtrabaho sa bansang ito noong 2006 hanggang sa ngayon.
Sa 5 taong pagtigil o pagtratrabaho dito sa bansang Korea, may mga bagay na di maiwasang mag-isip sa naiwang asawa. Na kung ano ang ginagawa habang ako’y nakahiwalay. Ganoon din and aking sarili, kung minsan natutukso, gusto ng bumigay….sa pananabik sa asawa. Salamat sa Panginoon, hindi niya ako hinayaang maging masama, napakabuti ang Panginoon sa akin sa pagiging choir member ko. Ito marahil ang daan para malayo sa anumang tukso.
Taong 2007, sa aking pagbabakasyon, natuwa ako dahil kahit vocational ang tinapos ng dalawang kong anak, tuwa’t saya ang nadama. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagaway kami ng aking anak na babae. Nagulat ako sa kanya sa inaasal niya sa akin. Dissapointed ako sa pag-uwi. Last May….nag one on one kami. Pinagaralan ko siya. Sa una, talagang matigas siya. Nagaway na walang kabagay bagay, mataas ang boses niya at nasabihan pa ng “wag na kayong umuwi dito”. Doon ako na shock sa salitang iyon. Nakadama ako ng awa sa sarili. Hindi ko siya nagawang saktan. Napigil ko ang sarili ko. Bago niya nasabi ito, nasaktan ko siya, pero sa salita niyang, :wag na akong umuwi”…wala,,,,tinitigan ko lang siya. Inunawa ko pa rin siya sa kabila ng ginawa niya…subali’t masakit sa kalooban ko ang nangyari. Ang ama ay nagsalita din sa kanya pero parang bale wala. Dumating ang oras ng pag-alis ko at naroroon pa rin ang kirot at sakit kapag naalaala ko ang mga sinabi niya. Nakatanim pa rin sa aking isipan. Nakailang buwan ang lumipas, nagkaunawaan na kami by telephone. Masaya na siyang kausap nguni’t panay pa rin ang pag-alaala ko. Lagi ko siyang tine-text. Kahit walang reply okey lang basta maiparating ko ang aking paalala…
Sa ngayon, okey na kami ng aking anak na babae. Dasal ko lamang sana na pag-uwi ko ngayong X’mas, di kami magkaroon uli ng samaan ng loob. Sana maging masaya ang Christmas at Bagong Taon sa aming pamilya. Sa ngayon, happy naman ako, kahit papaano napapasaya ko ang aking pamilya, at dama ko din ang kanilang kasiyahan sa buhay. Lalo ngyon, nakakaranas na silang kumain ng masarap, nakakasunod sa layaw na pangangailangan. Ibinibigay ko sa kanila ang bawa’t hingin nila, dahil hindi ko natikman ang mga bagay na ito noong ako ay bata. Sa ngayon, isang masayang pamilya kami….salamat sa Panginoon, Siya ang nagbigay sa lahat ng tinatamasa naming ngayon, bagam’t konti lang. Salamat rin sa lahat ng tumulong sa akin….till the end!
Elly’s eldest son, Danlee, now working in Korea, with his fiancĂ©, and Elly’s sister, Yola
Elly, “Ulirang Ina” (Model Mother) awardee
Elly (3rd from right) and sister, Yola (to her right), and their Filipino OFW friends in Korea
Elly and sister, Yola, ready to board at Incheon International Airport, Korea
Maligayang Pagbabalik sa Bay, Laguna: Elly (4th from left) and sister, Yola
Thursday, February 14, 2008
Eddie Evangelista, OFW Seafarer
Edilberto “Eddie” Evangelista
OFW Seafarer: 1984-2000
Offshore Exploration: Gabon, Africa: 1984-86
Oil Rig: Ocean Profector—ODECO: 1989 (part)
Ocean Research: Worldwide: Joides Resolution: 1986--2000
Ako si Edilberto “Eddie” Evangelista, isang driver na nangarap magtrabaho sa ibang bansa. Matiyaga akong nag apply at humingi ng tulong sa Panginoon Diyos. Mapalad naman ako at maswerteng pinalad na pagbigyan ding makapag trabaho sa labas ng bansa (abroad).
Nakasakay muna ako ng barkong pang drilling ng langis sa dagat ng Africa, malapit sa Gabon. Pinagbuti ko ang pagtratrabaho ko rito at sa magandang performance ko ay inilipat ako ng aming ahensya sa barkong gamit ng gobyerno ng America pang research. Ang operation nitong barkong ito ay sa buong mundo. Nadatnan ko ang Arctic Circle, at yung Antarctic din at ang Equator. Nagtratrabaho ako sa barko ng dalawang buwan sa laot at sa kalagitaan ng karagatan ng walang makikita kundi tubig at langit. Ang pinakamagandang lugar na nadatnan namin ay yung Antarctic. Sa kapunuan ng hielo at sa pagkalawak at pagkatahimikan, kakaiba itong lugar na ito at walang katulad. Pagkatapos ng dalawang buwan pagtratrabaho, dalawang buwan ding bakasyon sa Pilipinas. Kung minsan, sumakay kami sa Guam at nagdisembarko kami sa Australia. Nung isang leg, sumakay naming kami sa Falklands noong pagkatapos pa lang ng guera doon.
Marami rin akong nadaanang mapanganib na karanasan katulad noong maipit ng tubo yung aking ulo, at nabanlian ang aking katawan ng mainit na chemical. Napakahirap nang situasyon na iyon, lalong lalo na at malayo ako sa aking pamilya. Mabuti na lang, sa awa ng Diyos, ako ay nakaligtas sa mga aksidenteng aking naranasan.
Ako ay may anim na anak at ang lima ay nakatapos naman ng pag-aaral. Ang isa ay nagaaral pa, at ito ay dahil sa trabhong nito sa abroad. Nakapag pundar din ako ng maliit na lote at dinaman kagandahang bahay at dalawang jeep na pang hanap buhay. Mayroon din akong isang owner type jeep na pam pamilya at isang motorsiklo na gamit gamit din pamamasukan.
Ang maipapayo ko lang sa mga katulad kong nagtratrabaho sa ibang bansa ay sinupin nila and kanilang kinikita dahil ang magandang pagkakataon na ito ay dapat pag samantalahan dahil sa may katapusan din ito. At kung minsan, may dumarating na hindi nating inaasahan, maaaring maaksidente o magkasakit. Marami pang bagay na darating sa ating buhay pagkatapos ng pagtrabaho sa ibang bansa at yan ay dapat nasa isip ng bawat isa.
Eddie (shown in circle) with drill team celebrating world record core
sample recovery, 4 kilometers below seabed off Argentina
Ready for initiation rites for crossing the Equator. Eddie (in circle) as Triton, Son of Neptune.
Eddie enjoying the initiation
Crew picture near end of voyage Leg 133, off Australia, Oct 1988